Abante Tonite Interactive

Wala pang eleksyon pero karera sa speaker maingay na

0 372

Kaye Dacer

Hindi pa natatapos ang eleksyon dahil sa Mayo 13, 2019 pa ito gaganapin.

Kanya nga lamang nakakatuwang isyu na sa ilang politiko ang hahawakang posisyon.

Katulad na lamang ng mga maglalaban-laban sa liderato ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso.

Napakarami ng lumulutang na mga pa­ngalan.

Pinakahuling lumutang na pangalan ay itong si Davao del Norte Rep. Antonio ‘Tony Boy’ Floirendo.

Pero nauna nang nababanggit sina da­ting Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at marami pang iba.

Related Posts

Hindi dapat magkamali si Pangulong Rodrigo Duterte pagda­ting sa kanyang iuupong House Speaker.

Hindi naman kaila sa lahat na napakaraming nag-aambisyong makuha ang naturang puwesto at ang ilan dito ay nagpapakilalang BFF ng Pangulo pero ang dapat manaig ay kung sino talaga ang tunay na karapat-dapat.

Pagkatapos ng eleksyon, may tatlong taon pang natitira sa termino ni Digong kaya mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng kanyang administrasyon. Kailangang ma­ging wais ang Pangulo pagdating sa pagpili ng mga pagkakatiwalaan.

Kailangang matiyak na isang tunay na kakampi na merong tunay na malasakit sa bayan ang maipuwesto bilang House Speaker.

Sa kabuuan, dapat isaalang-alang ni Digong kung sino ang tunay na nababagay iupong speaker ng Kamara dahil dito magmumula ang mga panukalang kailangan ng kanyang adminis­trasyon. Sa House Speaker nakasalalay ang tagumpay ng mga repormang gustong ipatupad ng Pangulo.

At kung walang last minute na pagbabagong magaganap pagkatapos ng eleksyon, malamang na si dating Senador at Secretary Cayetano ang magiging manok ni Digong bilang Speaker.

Hindi naman matatawaran ang kredensyal ni Cayetano na napakahaba na ng pinagdaanan pagdating sa eksperyensya. Nag-umpisa si Cayetano sa mababang posisyon bilang konsehal bago naging vice mayor, naging kongresista, senador at foreign affairs secretary pa. At miyembro pa ito ng Bar Council kaya hasa ito sa batas. Sa lawak ng kanyang karanasan, kayang-kaya ni Cayetano na ibalanse ang iba’t ibang interes ng mga kapwa niya mambabatas sa Kamara at tiyaking sa kabuuan ay makikinabang ang buong sambayanan.

Sa isang mabigat na posisyon tulad ng House Speaker, kailangan talagang manaig ang interes ng bayan at hindi ang interes ng iilan lamang!