Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wala pang hawaan ng Delta variant sa `Pinas – DOH

0 117

Tinukuran ng Philippine Genome Center (PGC) ang Department of Health sa pagsasabing wala pang community transmission ng Delta variant sa Pilipinas.

Sinabi ito ng PGC matapos ihayag ng World Health Organization (WHO) na nagiging dominante nang COVID variant sa mundo ang Delta dahil sa bilis nitong maihawa.

Unang na-detect ang Delta variant sa India.

Ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma, hangga’t mahigpit ang border control sa Pilipinas ay mapipigilan ang pagkalat ng Delta variant sa mga pamayanan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are lucky to be able to detect 13 so far, all are from ROFs, and all are under quarantine, so… so far wala pa tayo sa community,” ani Saloma.

Sinabi rin ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi dapat ikaalarma ang Delta variant hangga’t patuloy na sumusunod tayo sa mga health protocol.

Pinaalala nito sa mga local government unit ang masusing pagpapatupad ng PDITR (prevent, detect, isolate, treat, reintegrate) response, mga public health standard at COVID-19 vaccination para mapigilang maging dominante ang Delta variant.

“Ang pinaka-importante ngayon is our border control. Kailangan pare-pareho ang pagpapatupad across the regions at kung anuman ang narekomenda natin base sa mga nasabi ng ating experts, ipatupad natin nang maaayos,” ayon kay Vergeire. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.