Abante Tonite Interactive

Wala pang kontrata – Roque

Direk Joyce sa SONA ni Digong

By
3,376

Nakabitin pa ang pagiging direktor ni Joyce Bernal para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa nito makumpirma ang pagdidirek ni Bernal dahil wala pa aniyang pinipirmahang kontrata para dito.

Polisiya, aniya, sa mga tanggapan ng gobyerno na mayroon munang dokumento bago isapubliko.

“You know, ang hirap dito sa aking — sandali let me see if there’s an answer ha. I’m still not at liberty to confirm. Well, I just requested if I could confirm and they said not yet; maybe because there’s no signed contract yet. And you know the policy of this office, I need the document but I heard the same. I just can’t confirm because I don’t have the contract and I’m looking, I’m looking because I requested, I heard the same but I’m not able to confirm yet. I will confirm as soon as I have the document,” ani Roque.

Hindi rin sigurado ang kalihim kung gratis o libre ang directorial job ni Bernal sa SONA kaya hintayin na lamang, aniya, ang magiging anunsiyo ng Malacañang.

Nauna nang kinumpirma ni Direk Bernal sa ilang panayam na siya ang magdidirek sa SONA ng Presidente.
Matatandaang sa nakalipas na dalawang SONA ni Pangulong Duterte ay ang award-winning director na si Brillante Mendoza ang naging director nito. (Aileen Tali­ping)