Abante Tonite Interactive

Wala pang koponan, Beasley suspendido na

435

Wala pang team sa NBA si Michael Beasley pero may naghihintay na sa kanyang five-game suspension.

Base sa ulat ni Shams Charania ng The Athletic, paglabag sa NBA anti-drug policy ang kaso ni Beasley.

Bubunuin niya ang suspension kapag may kumuha nang team sa kanya.

Binitawan ng Clippers si Beasley, 30-anyos, matapos makuha sa trade mula Lakers sa deadline.

Free agent na siya mula noon at wala pang sumasalong team.

Kadalasan, binibigay ang suspension sa pla-yers na umuulit sa pag-labag sa NBA policy sa marijuana.

Noong 2013 habang nasa Phoenix Suns pa ay inaresto si Beasley sa marijuana possession. May nauna pang possession of marijuana noong 2011 habang miyembro pa ng Minnesota Timberwolves pero ikinatuwiran niya noon na sa kanyang kaibigan ‘yun. (VE)