Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wala pang pruwebang mabisa 2nd booster sa lahat – vaccine expert

0 75

Inihayag kahapon ng isang infectious disease expert na wala pang pruweba na nagpapakitang mabisa nga para sa lahat ang pangalawang booster shot laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng vaccine experts panel, na epektibong depensa ang pangalawang booster shot laban sa Omicron subvariant BA.4 na mas nakahahawa kaysa iba pang variant subalit hindi pa aniya ito nirerekomenda na ibigay sa lahat.

“For now, there’s no data to tell us that the general public will benefit from a second booster that’s why monitoring those vaccinated and also boosted is important,” ani Solante.

Kapag nagkaroon aniya ng mga kaso ng kumpleto sa bakuna at may first booster subalit dinapuan pa rin ng virus, nangangahulugan na kinakailangan talaga ng pangalawang booster para tumibay ang immunity ng general population.

Sa ngayon, mga healthcare worker, may sakit at mga senior citizen pa lamang ang pinayagang mabigyan ng pangalawang booster shot.

Leave A Reply

Your email address will not be published.