Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wala sa ganda: Jessy pinaasa ng lalaki

0 148

Inamin ni Jessy Mendiola na hindi talaga niya ideal type si Luis Manzano. Aniya sa kanyang panayam kay Angeline Quinto para sa “PadaLOVE” online, unang-una raw ay mestizo ang TV host at moreno ang mga type niya.

“Nun’g simula pa lang talaga, as in, hindi ko talaga siya type, ‘yung hindi siya talaga ‘yung ideal na gusto ko, alam mo ‘yun?

“Kasi si Luis, mestizo, ang talagang type ko noon, mga moreno, ‘yung pa-mysterious, di ba? ‘Yung mga tahimik, ganyan,” sey ni Jessy.

Pati personality nga raw nila ay magkaiba kaya at first ay talaga raw hindi sila nag-click agad.

“Hindi talaga kami same ng personality ni Luis. Napapansin n’yo naman, si Luis, napakakulit. Tapos ako, kalma lang akong tao. Pero siguro, more of, naging parehas na rin ‘yung hilig namin nun’g nagkakilala kami nang husto,” aniya.
Ganun naman daw talaga minsan, hindi ‘yung ideal type mo ang nakakatuluyan.

“Kung baga, ito ‘yung proof na minsan talaga, you don’t end up with you know, ‘yung ideal na nakikita mong tao,” she said.

Pero nang tanungin ni Angeline kung si Luis na ang “the one” for her, agad na sambit ni Jessy, “ay, oo naman, siya na talaga.”

Ewan kung biro, pero napaiyak si Angeline sa sagot ni Jessy. Nagpunas siya ng mata niya at aniyang natatawa rin, “naiyak ako, masaya ako, naiyak, unfair naman.”

Dagdag pa ni Angeline, sana raw ay dumating na ‘yung time na masabi niya na “the one” na rin ang isang guy, pero wala pa raw.

Sabi naman ni Jessy, “dadating ‘yan, take your time.”

Anyway, dahil ang main topic nila ay tungkol sa “paasang love”, nabanggit ni Jessy na siya man ay naka-experience na pinaasa ng guy and not only that, na-ghost na rin daw siya.

“Maraming beses na,” pag-amin ni Jessy.

Sey naman ni Angeline, hindi raw siya makapaniwala sa gandang ‘yun ni Jessy.

“Naku, Angge, wala sa hitsura ‘yun. Pag ang lalaki, gustong mang-ghost, manggo-ghost talaga,” sagot naman ni Jessy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.