Abante Tonite Interactive

Walang awang pagpaslang sa dalagang advertising executive

394

Ipinasya rin ng mga suspek itapon ang bangkay ng dalaga sa ilalim ng Tibagan Bridge sa Barangay Sabutan, Silang Cavite kung saan siya natagpuan ng mga residenteng nagpahatid ng kaa­laman sa kapulisan bago tinangka nilang ibenta ang tina­ngay na kotse subalit hindi kumagat ang kanilang buyer nang malamang “hot car” ang sasakyan.

Nakuha ng mga salarin kay Kae ang P3,000 cash sa kanyang wallet na ayon kay Decimo ay kanilang pinaghatian, pati na ang kanyang dalang laptop at mamahaling cellular phone.

Dahil din sa impormasyong ibinahagi ni Decimo, nabawi rin ng NBI ang Toshiba laptop at ang kulay puting Apple iPhone 5 ni Kae na ipinagpalit ng grupo sa isang tindahan sa Alabang, Muntinlupa city, sa mga binili nilang damit na nagkakahalaga ng P11,000.

Ibinahagi rin ni Decimo sa NBI ang mga pangalan ng kanyang mga kasamahan sa pagpaslang kay Kae na kinilala niya sa mga alyas na Jomar, Baser, Jojo, Jorek, at Lloyd.

Matapos madakip ng mga ahente ng NBI si Decimo, naaresto naman ng binuong Task Force Kae ng NCRPO na pinamumunuan ni Senior Supt. Christopher Laxa si Lloyd Enirquez, 18 noong araw ng Sabado, Setyembre 21, 2013 sa Cupang, Muntinlupa City habang napilitan namang sumuko matapos makatakas si Reggie ‘Jojo’ Diel, 30 sa tulong ng isang Catholic priest, sa Las Piñas police.

Ayon kay dating Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte, inamin ni Diel sa harap ng mga mamamahayag na kasama siyang nagsagawa ng pagdukot kay Kae su­balit wala aniya siyang partisipasyon sa pagpatay sa dalaga.