Abante Tonite Interactive

Walang awang pagpaslang sa dalagang advertising executive

313

EDISON REYES

Siya aniya ang nagmaneho ng kotse ni Kae hanggang sumapit sila sa Tagaytay city at doon ay pinagusapan kung ano ang gagawin nila sa biktima.

Una ay sina Decimo, Joric at Jomar lamang aniya ang nag-uusap at naiwan siya sa loob ng sasakyan hanggang tawagin siya ni Joric at sabihin ang planong patayin ang biktima subalit hindi siya pumayag bagama’t dakong huli ay sinabi aniya niyang bahala na ang grupo basta’t ayaw niyang makisali sa gagawing pagpaslang.

Dahil hindi siya sumang-ayon, siya aniya ang pinagmaneho ng Honda city at sinundan na lamang niya ang kotse ng biktima na minamaneho ni Jomar hanggang sa makarating sila ng Silang at doon niya nakita nang itapon ang bangkay ni Kae sa ilalim ng tulay.

Matapos aniyang madispatsa ang bangkay, sa kanya mu­ling ipinamaneho ng grupo ang kotse ng biktima na tinangka pang ibenta subalit inayawan ng kanilang buyer kaya’t dinala niya sa Batangas upang itago ng isang araw bago muli nilang dinala pabalik ng Las Piñas city kung saan tinangkang sunugin sa loob ng Camella Homes.