Abante Tonite Interactive

Walang awang pagpaslang sa dalagang advertising executive

252

Sa pahayag naman ni Enriquez, ikinaila niya na sangkot siya sa krimen bagama’t inamin niya na isa lamang toy gun ang kanilang ginagamit kapag nagsasagawa ng panghoholdap.

Kasabay ng pagkakadakip kina Diel at Enriquez, nabawi rin ng mga tauhan ng Task Force Kae ang kulay pulang Honda city na may plakang NYO-517 na gamit ng mga salarin nang sundan ang kotse ng biktima sa loob ng Monwalk Village.

Ayon kay Task Force Kae head Senior Supt. Laxa, nabawi nila ang naturang sasakyan sa garahe ng bahay na pag-aari ni Shiela Marie Villa sa Emeral St., Camella Homes, Pamplona 3, Las Piñas City.

Nang isailalim sa imbestigasyon ng pulisya si Villa, sinabi niya na tumatayo bilang caretaker si Jomar Pepito sa kanilang bahay na kanilang iniwan dahil may isang buwan ng wala itong supply ng elektrisidad.

Paminsan-minsan aniya ay pinapakiusapan niya si Pepito na maghatid sa kanyang mga anak papasok sa eskuwela gamit ang kanilang kotse subalit hindi niya alam na ginagamit din pala nito ang sasakyan sa ilegal na gawain.

Natuklasan din ng pulisya na ang damit na binuhusan ng diesel ng mga salarin upang tangkaing sunugin ang kotseng Toyo­ta Altis ni Kae ay damit ng mga anak ni Villa.

Matapos and paha­yag ni Diel, napilitan na rin sumuko si Jomar Pepito noong Setyembre 24, 2013, araw ng Martes sa tanggapan ni dating Cavite Go­vernor Johnvic Remulla upang harapin ang pagkakasangkot sa krimen.