Abante Tonite Interactive

Walang awang pagpaslang sa dalagang advirtising executive

404

EDISON REYES
Part 1
Paano nga ba nilalabanan ng isang pamilyang nawalan ng pinakamamahal nila sa buhay ang lungkot at pighating kanilang nararamdaman sa tuwing sasagi sa kanilang isipan ang mga pangyayaring hindi nila inaasahan?

Isang katanungan na lagi ng sumisiksik sa isipan ng mga taong namamatayan ng isang miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng isang marahas na paraan na hindi nila kailanman inaasahan.

Maaaring hindi madali para sa bawa’t miyembro ng pamilya na tanggapin na lamang ang masaklap na kapalarang sinapit ng kanilang mahal sa buhay at tanging ang pagbabalik na lamang sa mga magagandang alaala ng nakaraan ang kanilang sinusulyapan na lalo pang nakakaragdag sa nararamdamang kapighatian.

May mga panahon na nakukuntento na lamang sa pagsulyap sa mga larawan ng namayapang mahal sa buhay ang nagpapagaan sa kanilang kalungkutan at nakapagbibigay sigla at pag-asa sa patuloy nilang pagtahak sa masalimuot na buhay.