Abante Tonite Interactive

Walang bagong buwis sa TRAIN 2 — Palasyo

By
1,129

Nilinaw ng Malacañang na hindi magdadagdag ng bagong buwis sa second package ng Tax Reform for Accele­ration and Inclusion (TRAIN).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng pagiging malamig ng mga senador at walang gustong mag-sponsor sa second package ng TRAIN Law na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapirmahan bago matapos ang taon.

Ayon kay Roque, nagkakaroon ng maling impresyon sa TRAIN 2 dahil pinapalitaw ng mga kritiko na magdadagdag ng buwis pero kabaligtaran aniya ito dahil babawasan ang mga corporate tax.

Ang gagawin lamang aniya sa TRAIN 2 ay ibababa ang corporate taxation dahil ang Pilipinas ang pinakamataas na kinokolektang corporate tax kumpara sa ibang bansa sa Asya.

Kailangan lamang a­niyang paliwanagan ang mga senador patungkol sa TRAIN 2 at umaasa silang mauunawaan ng mga ito kung bakit kailangan ng gobyerno ang nabanggit na batas.

“Well actually, maybe it’s because of a misconception that TRAIN 2 will increase taxes. On the contrary, TRAIN 2 will reduce corporate taxes. So, hindi po totoo na magpapataw ng bagong buwis ang TRAIN 2,” ani Roque.

“Ang gagawin lang po ng TRAIN 2 nga is pababain iyong corporate taxation, kasi sa pag-aaral po ng DOF, pi­nakamataas po ang corporate tax natin dito sa Pilipinas kung ikukum­para sa mga karatig-bans­a sa South East Asia.

So, I think, it’s a matter of telling the senators what TRAIN 2 is and I think we can overcome their initial hesitancy,” dagdag nito.

Ipapaubaya na aniya ng Palasyo sa Presidential Legislative Liaiso­n Office (PLLO) ang pagpa­paliwanag sa mga senador at hindi na ka­ilangan pang magpatawag ng Legislative, Executive Developmen­t Advisor­y Council o Ledac­.