Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang bagong namatay sa COVID

0 140

Walang pasyenteng namatay sa COVID, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon, Pebrero 13.

Dahil dito, nanatili sa 54,930 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa sanhi ng coronavirus.

Nakapagtala naman ng 3,050 bagong tinamaan ng virus kung kaya’t umakyat pa sa 3,637,280 ang bilang ng mga dinapuan ng COVID.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nadagdagan ng 5,811 indibiduwal ang gumaling matapos dapuan ng virus kung kaya’t nasa 3,500,956 na ngayon ang mga nakarekober sa naturang sakit.

Patuloy din ang pagbaba ng mga aktibong kaso ng COVID na naitala kahapon sa bilang na 84,229 o 2.3% lamang ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.