Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang bagyo ngayong Enero – Pagasa

0 70

Walang aasahang papasok na bagyo sa bansa ngayong Enero habang patuloy na makakaranas ng mas malamig na panahon sa mga susunod na araw ang malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, lalakas pa ang northeast monsoon o hanging amihan kaya asahan ang mas malamig pang panahon simula ngayong weekend.

Aniya, dahil sa amihan ay maari ding magkaroon ng pag-uualan lalo sa hapon kaya pinag-iingat ang lahat laban sa sakit na dala ng malamig na panahon.

Wala ding namomonitor na sama ng panahon na mabubuo sa loob at labas ng bansa kaya asahan na wala nang bagyo na papasok ngayong buwan. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.