Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang banta ng tsunami sa Alaska quake – Phivolcs

0 81

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa bansa kasunod ng magnitude 8.2 na lindol na tumama sa Alaska Peninsula.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” nakasaad sa advisory ng Phivolcs kahapon.

SM food to go Banner Ad

Nilinaw ng Phivolcs na sa ngayon ay wala namang aksyon na dapat gawin matapos ang pagyanig sa 91 kilometro southeast ng Perryville, Alaska noong Huwebes. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.