Abante Tonite Interactive

Walang birth certificate

252

Dear Atty. Claire,

Hi, good day po Attorney.

Itatanong ko lang po kung ano ang dapat gawin kasi nagpapa-late register ako dahil wala akong record sa Philipine Statistics Authority (PSA).

Sabi po sa munisipyo namin kailangan daw apelyido ng mama ko ang gamitin ko dahil hindi raw sila kasal ng tatay ko at naabutan din daw po ako ng batas.

Ma’m itatanong ko lang kung puwede ko ba gamitin ang apelyido ng tatay ko kasi simula pagkabata ay iyon na ang gamit ko. Nagsasama rin po ang mga magulang ko.

Maraming salamat po,

Angela

Dear Ms. Angela,

Kung may birth certificate ka na ay huwag na huwag ka nang magpa-late register kasi lalo kang magkakaproblema sa mga susunod na panahon.

Ang dapat gawin ay ayusin na lamang ang birth certificate mo.

Hindi mo nabanggit kung ang nanay o tatay mo ba ay kasal sa iba kaya hindi sila makapagpakasal? Kung may mga iba pa silang asawa ay mananatili kang illegitimate maliban lamang kung magkakaroon ng adoption.

Kung naipanganak ka naman na sila ay parehong binata at dalaga at nagpakasal naman matapos kang mapanganak ay maaari mong ayusin ang birth certificate sa pamamagitan ng pag-file ng application for legitimation.

Kung hindi ito applicable sa iyo ay maaari mo pa ring magamit ang apelyido ng tatay mo sa pamamagitan ng RA 9255. Ngunit sa ngayon ay pinaiiral ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang rules and regulations na lahat ng pinanganak noong August 3, 1988 hanggang March 18, 2004 ay hindi magagamit ang provision ng RA 9255 at kakailanganin pa nilang magsampa ng petition sa korte para maiayos ang surname mo.

Ngunit kung ikaw naman ay pinanganak sa araw ng Marso 19, 2004 sa susunod na araw ay maaari mong ipaayos ang apelyido at gagawa ang tatay mo ng affidavit to use the surname of the father at pati ang nanay mo ay magsasagawa ng pagsang-ayon sa paggamit mo ng apelyido ng tatay mo.

K u n g ma y k a – tanungan pa ay tumawag lamang sa 4107624/9220245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.