Abante Tonite Interactive

Walang bugaw: Hunk actor nagsosolo sa raket

1,018

MAGALING talagang pumaraan ang isang hunk actor para makapag-imbita siya ng atensiyon. Sinasadya niyang maglabas ng mga sexy pictures niya sa social media na marami namang pumapansin at nakakakita.

Sabi ng isang source na palaging nakakakita sa mga sexy photos ng hunk actor, “Minaster na niya ang ganyan. Aba naman, napakarami nga namang nagkakaroon ng interest sa kanya, di ba?

“At magaling siya, ha? Wala siyang kinakausap na Boogie Wonderland, puro direkta ang mga clients niya, kaya n’yo ‘yun?” tawa nang tawang komento ng impormante.

May matindi naman kasing pinagdaanan ang hunk actor mula nang ipanganak siya. Kapos siya sa pagkandili ng mga magulang niya, lalo na ng kanyang ina, lumaki siyang kulang sa pagmamahal.

Sabi naman ng isang source, “Pangako niya sa sarili niya na patutunayan niyang magiging successful siya anuman ang mangyari. Magaling naman siyang umarte, guwapo siya, pero siyempre, marunong dumiskarte ang male personality!

“Malinis siyang umatake, wala siyang pinagdadaanang matchmaker, nagsosolo lang siya sa mga raket niya! At nagtatagumpay naman siya, sa totoo lang, dahil nakakapagpundar siya ng mga properties at maayos na ang buhay niya!

“Paganu’n-ganu’n lang ang drama niya, ha? Labas lang siya nang labas ng mga sexy photos niya na madalas na may pasilip pa ng armas niya, pero ano ang dahilan niya?

“Aksidente lang ‘yun, shadow lang, hindi niya sinasadya ang pagsungaw ng ipinagmamalaki niyang sandata! Siya na talaga! Sa totoo lang, minaster na niya ang linyang ‘yun!” madiing sabi ng aming impormante.

Aaaaahhhh…. okey!

Pacman, Isko iisa ang kapalaran

MARAMING pintuan ng mga oportunidad na nagbubukas sa atin sa araw-araw. Pero nasa atin pa rin kung paano ‘yun makikita. Maraming nagtutulay para sa ating pag-unlad pero tayo pa rin ang tatawid.

Magkapareho ang kapalaran nina Senador Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno. Galing sila sa hirap pero hindi ‘yun naging hadlang sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

Namamatsoy ng basura nu’n si Scott, naging artista, lumipat sa mundo ng pulitika at ngayon ay mahusay na itong mayor ng Maynila.

Nangahoy sa bundok, nagtinda ng pandesal, kung anu-anong mahihirap na trabaho ang pinasok ni Senador Pacquiao hanggang sa natumbok niya ang pagboboksing na nagpabago sa estado ng kanyang buhay.

Pareho silang kapos sa edukasyon dahil sa sobrang kahirapan, pero hindi nila ‘yun sinukuan, nag-aral sa kolehiyo si Mayor Isko para hindi ito pinagtataasan ng kilay at minemenos ng kanyang mga kapwa pulitiko.

Ganu’n din ang daan na tinalunton ng Pambansang Kamao, hindi sapat ang kanyang kaalaman sa pag-upo bilang senador, kaya kumuha siya ng Political Science sa pamamagitan ng alternative learning system.

At ngayon ay may ipinagmamalaki nang diploma sa kolehiyo si Pacman. Hindi lang ang laban sa ring ang kanyang ipinanalo kundi ang pangarap niyang maging titulado.

Sa aming kuwentuhan nu’n sa Las Vegas ni Senador Manny ay madalas niyang sabihin, “Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binibigyan niya ako ng lakas ng katawan.

“Gusto kong maiahon ang pamilya ko sa kahirapan, gusto kong makatulong sa maraming tao, alam ko kasi ang pakiramdam ng pagiging mahirap.

“Masarap na teacher ang kahirapan, magiging inspirasyon mo kasi ‘yun, pagsisikapan mong magsipag at magtiyaga para magtagumpay ka,” sabi niya.

Hindi pa siya bilyonaryo nu’n, ikalawang salpukan pa lang nila ‘yun ni Eric Morales, wala pang katiyakan ang magiging kapalaran niya bilang boksingero.

Hanggang sa pinatumba na nga niya ang mga pambatong boxers ng buong mundo. Nagkakaroon din siya ng pagkatalo pero ipinagpatuloy niya ang paglaban hanggang sa kilalanin na siya bilang Pambansang Kamao na sinasaluduhan ng kanyang mga kapwa boksingero.

At niregaluhan pa siya ng upuan sa Senado ng ating mga kababayan. Pinagtatawanan lang siya nu’ng una dahil boksing lang daw naman ang kanyang alam.

‘Yun ang nagtulak sa kanya para mag-aral, pinagsunugan niya ng kilay ang diplomang hawak niya ngayon, totoong-totoo ang kanyang sinabi na kailanman ay hindi hadlang ang kahirapan para maging isang dangkal na lang ang layo sa pag-abot natin sa tagumpay.