Abante Tonite Interactive

Walang bulakbol sa 18th Congress — Gonzales

0 180

Umabot sa 247 kongresista ang pumasok sa kabuuang 18 sesyon na isinagawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso mula nang magbukas ang 18th Congress.

Ito ang naitala na pinakamataas na numero sa pagdalo ng mga mambabatas noong magbukas ang 18th Congress nitong Hulyo 22, hanggang Set. 10.

Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, batikang mambabatas na nahalal na majority lea­der noong 16th Congress, unang pagkaka­taon, historic at pruweba ng determinasyon ng mga mambabatas sa pangunguna ni Spea­ker Alan Peter Caye­tano ang mataas na attendance record.

“I have been a member of several Congresses, and I am truly elated by the record attendance of House Members of the 18th Congress led by Spea­ker Cayetano. The high attendance of our colleagues reflects their discipline, hard work, deep passion and great interest to serve the people and enact priority laws that will give them a safe and comfortable life,” wika ni Gonzales.

Saad pa ni Gonzales na sa kabila ng maraming holiday nitong nakaraang buwan, minabuti ng mga halal na mambabatas na dumalo sa Kamara at magtrabaho sa halip na magbakasyon sa mahabang araw na walang pasok.

Dahil sa presensya ng majority ng mga kongresista, nagawa ng House na talakayin ang mga budget brie­fing para sa General Appropriations bill (GAB) para sa 2020, sa antas ng Committee on Appropriations kaya nabig­yang daan ang mga hearing na ginawa sa maiksing panahon, na nagresulta sa pag-pasa ng tatlong pinakaaabangang prio­rity measures sa pa­ngat­lo at huling pagbasa.
“Speaker Cayetano is a working Spea­ker, administratively and legislatively.

He is very hands on. He makes sure that all committees, especially the important and big ones, are handled by qualified House Members. He can’t be influenced by a recommendation simply because of party entitlement,” ani Gonzales.