Abante Tonite Interactive

Walang bumibigay kina So, Karjakin

290

May dalawang rapid game pa sina super Grandmasters Wesley So ng United States at Sergey Karjakin ng Russia upang malaman kung sino ang sasampa sa susunod na round ng 2nd Grand Prix Series Knockout 2019 sa Jurmala/Riga, Latvia.

Muling naghatian ng puntos sina 25-year-old So at Karjakin, 29, sa Game 2 ng classical match na umabot sa 19 moves lang ng Nimzo-Indian.

Magkakaroon sila ng tig-25 minuto at 10 segundong increment para tapusin ang laro at kung magtabla ulit ang kanilang iskor, dadaanin na sa blitz ang laban na mas maigsi ang oras ng kanilang laban, tig-limang minuto at three seconds increment na lang.

Ang huling tie-break game ay ang armageddon.
Makakalaro sa world championship ang magkakampeon sa nasabing event, si GM Magnus Carlsen ng Norway ang may hawak ng korona. (Elech Dawa)