Abante Tonite Interactive

Walang dapat ikatakot sa ratings ni Duterte

By
11

Walang dapat ipag-alala, ayon kay House Appropriations Committee chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles kahit bumaba ng 18 puntos ang net satisfaction ra­ting ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan mula sa +66 (very good) noong Hunyo, ngayong taon ay buma­ba ito sa +48 (good) nitong Setyembre.

Nakadepende aniya sa political climate ang pagtaas o pagbaba ng ratings ni PDu30 pero kumpiyansa si Nograles na pagsapit ng huling quarter nga­yong taon ay aangat muli ang ratings ng Presidente.

“So, these are just survey results that would go up and down,” ani Nograles.