Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang datung: Mariel naawa na ‘inampon’ si Robin

0 71

NI: CRISTY S. FERMIN

Maraming pinatunayan ang eleksiyon 2022. At ang dami-daming pinabulaanan ang katatapos lang na halalan na napakatagal na nating pinaniniwalaan.

Kapag wala raw salapi at makinarya ang politiko ay hindi mananalo. Pero nag-number one si Robin Padilla sa pagka-senador. Awang-awa si Mariel Rodriguez sa kanyang asawa na palaging “inaampon” nina Senador Jinggoy Estrada at Secretary Mark Villar sa kanilang mga kampanya sa malalayong probinsiya.

Stratehiya sa kampanya. Kung ano raw ang pinakamahinang parte ng buhay ng isang kumakandidato ay ‘yon ang kailangang puntiryahin ng kanyang katunggali.

Pero nanalo nang milya-milya si dating Senador Bongbong Marcos sa halalan. Mahigit pa sa kalahati ng kanyang boto ang kalamangan niya kay VP Leni Robredo. Sablay ang campaign strategy ng mga Kakampink.

Sukat ba namang mula umaga hanggang hatinggabi ay sigaw sila nang sigaw nang magnanakaw, ano ang nangyari sa kanilang mga paninira, naumay ang bayan!

Kapag marami raw artista sa kampanya ay siguradong panalung-panalo na ang kandidato. Makukuha na raw nito ang mas malaking boto ng bayan.

Parang musical variety show ang gabi-gabing kampanya ng Kakampink dahil sa sangkatutak na artista at singers na nandu’n. Totoo namang tinatao ang kanilang kampanya, dinadayo ang kanilang mga rally, pero naipanalo ba ng mga sikat na singers at artista sina VP Leni at Kiko Pangilinan?

Maraming aspetong pinasinungalingan ang nakaraang eleksiyon. Boses pa rin ng bayan ang naghahari. Kung sino ang pinusuan ng mga botante ay ‘yun pa rin ang nagtatagumpay.

At kailangang tanggapin natin king sinu-sino ang mapapalad na nagsipagwagi. Hanggang sa galit at panghihinayang na lang ang magagawa ng mga talunan.

Isang higanteng payong lang ang ating sinusukuban. Ang presidente ni Pedro at ni Marya ay pangulo rin natin. Lahat tayo’y Pilipino na kailangang rumespeto sa kung sino ang nagwagi sa ayaw at sa gusto natin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.