Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang Face Mask 1 Buwan Kulong

0 247

Maaaring mabilanggo ng hanggang isang buwan ang mga indibidwal na mahuhuling walang suot na face mask at lumalabag sa physical distancing, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa isang pre-SONA forum at press conference nitong Miyerkoles.

Sabi ni Año, nakipagpulong siya sa mga local chief executive at tinalakay ang unipormadong polisiya sa pagpapataw ng parusa sa mga taong lumalabag sa pinaiiral na mga quarantine protocol ng pamahalaan.

Isa aniya sa mga iminungkahi sa naturang pulong ng mga mayor sa Metro Manila ay ang pagkabilanggo ng mula 10 hanggang 30 araw sa mga taong walang face mask at hindi sumusunod sa physical distancing sa mga publikong lugar. Habang ang multa ay maaaring umabot aniya ng P1,000 hanggang P5,000.

“Magkakaroon na kami ng uniform implementation kung papaano ipapatupad `yong health standards… number of days in prison kapag nag-violate ka ng hindi pagsuot ng mask. We suggest 10 to 30 days, physical distancing also 10 to 30 days imprisonment. Kung ikaw naman ay ipa-fine, it’s about P1,000 to P5,000. So ‘yan ‘yung magiging uniform implementation natin,” sabi ni Año.

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na arestuhin at ikulong ang mga taong hindi magsusuot ng face mask ngayong nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic sa bansa. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.