Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang face shield pagmumultahin

0 151

Nahaharap ngayon sa multa ang sinumang mahuhuling hindi gagamit ng face shield.

Ang pagpapatay ng parusa o multa ay ipapaubaya na ng Malacañang sa local government units (LGU).

Kasunod na rin ito ng direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na obligahing magsuot ng face shield bukod sa face mask ang mga tao kapag lalabas ng bahay.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bahala na ang mga alkalde kung ano ang gagawin sa mga hindi susunod sa pagsusuot ng face shield.

“We can only enforce it. Nasa lokal na pamahalaan po ang pagpapataw ng parusa, nullum crimen, nulla poena sine lege,” ani Roque.

Mahalaga aniyang magsuot ng face shield lalo na ngayong holiday season dahil maraming tao ang lumalabas at nakakatulong ito para maproteksiyunan ang sarili. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.