Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang facemask, 2 wiper boy binitbit

0 227

Binitbit ng mga tauhan ng Manila Police District- District Tactical Motorized Unit ang dalawang “wiper boy” na walang suot na facemask habang nagpupunas ng windshield ng mga dumaraang motorista kamakalawa ng gabi sa may panulukan ng President Osmeña Highway at Quirino Avenue, Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ng MPD-Police Station 6, ang mga inaresto na sina Jayson Castro, 18 at Patrick Capoquian, 20, kapwa taga-Paco, Maynila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alas-7:00 ng gabi nang mamataan ang dalawang wiper boy hawak ang kanilang panlinis sa may gilid ng kalsada at nag-aabang ng mga motorista at nakitang wala silang mga suot na facemasks.

Sinita umano ng mga nagpapatrulyang pulis ang dalawa at ipinaliwanag ang kanilang ginawang violation.

Sinampahan naman ang dalawa ng paglabag sa Revised Ordinance 8267 (requiring the mandatory use of facemask within the City of Manila) sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.