Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang facemask na nagpustahan, 14 dinampot sa bilyaran

0 242

Labing-apat na kalalakihan ang naaresto, na mga nagpupustahan sa bilyaran na mga walang suot na face mask at nagkakalumpunan noong Martes ng hapon sa Brgy. Putlod, Jaen, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Police Major Baltazar Corpuz, natiyempuhan ang mga nagpupustahan sa bilyaran ni Jemily Gatuz, OFW, kaya kinasuhan ng mga paglabag sa PD 1602.

Bukod sa may-ari, kabilang sa mga naaresto sina Arthur Gatuz, 47; Joseph Necodemus, 48; Ferdinand De Belen,39, Arnel Gatuz, 37; Bryan De Belen, 36; Alberto Gatuz, 42; Delwin de Guzman, 36; Alvin Gatuz, 37; Aniceto Gatuz, 47; Fernando Gatuz, 63 , pawang residente ng Brgy. Putlod, Jaen, Nueva Ecija;

Ernesto Morales, 66 ng Brgy. San Vicente; Larry Go, 36 at isang 17 anyos na mga taga Brgy. Dampulan, pawang sa bayan ng Jaen.

Nakakumpiska umano ang mga pulis ng kabuuang Php 30,873.00 na bet money mula sa mga naaresto na ngayon ay nasa custodial facility ng Jaen police station.(Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.