Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang gulo, bagong presidente ipupuwesto – Digong

0 60

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na matutuloy sa Hunyo 30, 2022 ang pagsasalin ng kapangyarihan sa susunod na presidente ng bansa alinsunod sa itinakda ng Konstitusyon.

“It is a constitutional requirement that on June 30 a new president must swear,” pahayag ng pangulo.

Nauna nang ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya hahayaang magkagulo ang bansa dahil lamang hindi matanggap ng ilan ang nanalong bagong halal na presidente.

SM food to go Banner Ad

Siya pa rin aniya ang nakaupo hanggang Hunyo 30, 2022 kaya hindi niya papayagang magambala ang kaayusan sa bansa.

Sa katatapos na eleksiyon, lumalabas na nangunguna na si dating senador Ferdinand Marcos Jr. sa partial and unofficial results ng Commission on Elections at malayo ang distansiya ng resulta ng mga boto sa pumapangalawang si Vice President Leni Robredo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.