Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang helmet, kagawad tigok pagsalpok

0 56

Binawian ng buhay ang isang barangay kagawad na walang suot na helmet matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa isang concrete post sa Rosales, Pangasinan.

Nangyari ang aksidente nitong Biyernes, Abril 29, bandang alas-6:25 ng gabi sa Barangay Guiling.

Ayon sa Rosales police, kinilala ang biktima na si Tony Sarmiento Jr., 42.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, pauwi na sana sa kanilang bahay si Sarmiento sa Barangay San Isidro nang bigla itong sumalpok sa concrete electric post.

Dahil sa lakas ng impact, agad na binawian ng buhay si Sarmiento. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.