Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang helmet, rider buking sa shabu

0 289

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng aabot sa P210,000 halaga ng shabu sa isinagawang checkpoint sa Barangay San Miguel, Pasig City.

Sa nakalap na report sa Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Jayson Soriano y Calicdan, 45, driver at taga-Barangay Maybunga, Pasig City.

Ayon kay Pasig Chief of Police PCol. Moises Villaceran, inaresto ang suspek alas-11:30 Martes ng umaga sa Sandoval Ave., Barangay San Miguel, sa checkpoint ng mga tauhan ng sub-station 6.

Sinita ang suspek na walang suot helmet habang sakay ng motorsiklo na may plakang 6183 TA.

Hinanapan ito ng driver’s license at bumungad sa kanila ang 12 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 31.0 gramo at nagkakahalagang P210,800. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.