Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang helmet timbog sa P47K shabu

0 392

Arestado ang 32-anyos na lalaki matapos mahulihan ng nasa P47,600 halaga ng shabu makaraang sitahin dahil walang suot na helmet at facemask sa Marikina City kamakalawa.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Jowel Arroyo, residente ng Marikina City, na kinasuhan ng paglabag sa iligal na droga at hindi pagsunod sa health protocol.

Inaresto ang suspek alas-12:50 Lunes ng tanghali sa kahabaan ng Santan St. Brgy. Fortune nang sitahin ng pulis na nagsasagawa ng Marikina Anti-criminality operation at nagpapatupad ng Community Quarantine. Napansin umano ng pulis na kahina-hinalang laman ng isang kaha ng sigarilyo ng suspek kaya sinita ito at nakita ang anim na plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 7 gramo. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.