Abante Tonite Interactive

Walang inggit kina Sarah, Anne: Mas matanda sila – Shaina

783

Wala raw inggit si Shaina Magdayao sa mga colleagues niyang sina Sarah Geronimo na mag-aasawa na at kay Anne Curtis na magkaka-baby na.

“Of course, I’m very happy for them. I bumped into Anne a few… I think, a week ago and I was so happy, kasi nakita ko, ang laki na ng tiyan niya. She’s also a good friend,” sey ni Shaina.

She also reasoned out na mas matanda raw sina Sarah (31) and Anne (34) sa kanya.

“They’re older than I am. I just turned 30, so parang bago nga, eh. Parang bago lahat. Kasi, bago ‘ko mag-30, parang tinatanong ko pa, eh na ‘parang ano ba? Ano pa bang gagawin ko? I’m turning 30 already and I feel tired,’” sey ni Shaina.

Tinatanong daw niya kung talaga bang para sa kanya ang showbiz, pero after a few months ay nawala na rin daw ang ganitong feeling at nagkaroon ng ibang perspective sa kanyang buhay at sa kanyang trabaho.

“And I feel like I’m starting again. Ever since pinalitan ko ‘yung perspective na parang ‘pagod na ‘ko,’ ayan, tuloy-tuloy naman ang trabaho.

“So, I don’t want to be tired. I wanna stop saying that I’m tired because there’s so much to look forward to. And I just turned 30, so I’m not rushing into anything. Right now, maraming surprises na dumarating sa akin,” she said.

Isa nga raw sa sorpresang dumating sa kanya ay ang weekly series na “The Haunted” dahil katatapos lang niya ng “Nang Ngumiti Ang Langit”. Akala raw niya ay hindi pa muna siya magkaka-project nang matapos ito, pero haya’t binigyan siya ng Dreamscape Entertainment ng bagong project.

Magsisimula na ang horror series na “The Haunted” ngayong Sunday, December 8. (Vinia Vivar)