Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang iwanan: Maja, Empoy may serye sa TV5

0 94

Ni: Archie Liao

Nagtanong ang isang faney ni Empoy Marquez tungkol sa mga ganap niya ngayong 2021.

Ibinalita ng aktor na maraming dapat abangan sa kanya kasama na ang reunion movie nila ni Alessandra de Rossi na nakasama niya sa surprise box office hit na Kita Kita.

Ani Empoy, may gagawin siyang teleserye kasama si Maja Salvador sa TV5.

Sa labis na excitement, ipinost ito ng isang faney sa kanyang IG account.

Marami namang nag-react sa nasabing post.

Anila, pagkatapos ng mahabang prusisyon, sa TV5 daw pala uli babagsak ang aktres.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napabalita kasi noon na pagkatapos matigbak ng kanyang show na Sunday Night Live, rumors had it na lilipat ito sa GMA 7.

May lumutang din noon na magiging co-host ang aktres ni Willie Revillame sa Wowowin na hindi naman totoo.

Naging basehan marahil dito ang naging imbitasyon ng TV host kay Mr.M na join na ito sa kanyang programa.

Kilala kasing malapit si Maja sa nasabing star builder lalo pa’t ang huli ang nag-engganyo sa una at kay Papa P to join him in TV5 via Brightlight’s noontime musical show.

Depensa naman ng followers ni Maja, freelance lang daw ito at hindi contract artist ng TV5 tulad ng kanyang partisipasyon sa SNL na hindi station-produced.

Leave A Reply

Your email address will not be published.