Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang June Mar Fajardo: Malaking hamon sa SMB – Austria

0 129

Pitong buwan na naburo sa standings ang 1-0 card ng San Miguel Beer, pagkatapos ng 94-78 win sa Magnolia sa opening night noong March 8, kinansela ni commissioner Willie Marcial ang mga laro dahiil sa coronavirus.

Tuloy na ang Philippine Cup sa Clark Freeport Economic Zone bubble, tatangkain ng Beermen na sundan ang panalo laban sa Rain or Shine sa first game ng double-header ngayon sa AUF gym. Main game ang Terrafirma vs. TNT.

Ayon kay coach Leo Austria, nag-a-adjust pa rin ang Beermen sa pagkawala ni June Mar Fajardo, nabalian ng alulod noong February. Next season na makakabalik ang 6-foot-10 Cebuano.

“Big adjustment for us, but we’re so happy in our first game we’re able to make some adjustments,” anang 62-anyos na eight-time champion coach.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“With June Mar, we’re really confident. This time, it’s a big challenge for us.

Pinakamalaking problema aniya ng SMB ay ang kompiyansa ng 11 pang teams na tiwalang may pagkakataon na silang sipain sa trono ang Beermen dahil walang six-time MVP na Fajardo.

“They thought na kaya nila mag-champion. Give credit sa kanila dahil they really worked hard,” dagdag ni Austria.

Hinugot ng SMB sa draft si Daniel De Guzman na magiging pamasak sa gitna kahalili ni Mo Tautuaa. May Billy Mamaril at Russell Escoto pa sila, bukod sa regulars na sina Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Terrence Romeo, Von Pessumal. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.