Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang K! Larrazabal ‘siningit’ sa NPC Senate bet

0 108

Marami ang napataas ng kilay sa pagkakasama ni dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Gregorio ‘Goyo’ Larrazabal sa Nationalist People’s Coalition’s (NPC) senatorial bet.

Isa rito ang abogado at broadcaster na si Atty. Trixie Cruz-Angeles na nagtataka kung paano napabilang ang dating opisyal ng Comelec sa se­nate lineup ng NPC sa 2022.

“May following ba ‘yan? Tingnan mo social media niya. Sikat ba ‘yan? Ano ‘yung performance niya sa Comelec?” ayon kay Cruz-Angeles habang napapangiwi.

Dito binahagi ng abogada na may umuugong na kaya napasama si Larrazabal na pambato ng NPC ay dahil may kamag-anak umano ito sa humahawak ng public relations ng partido.

SM food to go Banner Ad

“Ang chismax, related siya doon sa PR na humahawak sa partido na ‘yun. Close relative. Therefore, ‘yung iba diyan tumatakbo ‘for the fund of it,’” ani Cruz Angeles sa kanyang radio show nitong Biyernes, (Hulyo 23).

Ang NPC ay isa sa pinakamala­king Partido politikal sa Pilipinas na itinatag ni dating San Miguel Corporation (SMC) chairman and CEO Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr.

Bukod sa pagiging ex-Comelec executive si Larrazabal ang tumata­yong legal counsel ng NPC.

Base sa senatorial survey ng Pulse Asia nitong Hunyo, nasa dulong puwesto si Larrazabal, kung saan 0.2 percent lamang ang nagsabing iboboto nila ito sa eleksiyon. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.