Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang K magsuplada kay Alden

0 89

Grabehan ang trending status ni Alden Richards sa Twitter. Pangmalakasang pamamayagpag ng #AldenRichards sa nasabing social media site. Literal na nag-volt in once more ang mga panatiko at nagmamahal sa Asia’s Multimedia Star.

Tayong mga sumusubaybay sa karera ni Richard, alam nating lahat na God gave him us simula nu’ng pulos teeny-bopper roles ang kanyang ginagampanan. Hanggang sa makita ang kakaiba niyang brillo sa

pag-arte sa “The Road.” Siyempre pa, hindi pwedeng burahin sa kasaysayan ang katotohanan na malaking tulong sa kanyang karera ang tambalan nila ni Maine Mendoza, kaya nga for a season, naging phenomenal love team ang AlDub .Talagang kinasahan nila ang naghaharing uring tambalan na KathNiel, LizQuen at JaDine.

Siyempre pa, mas naging hot ang kanyang karera dahil sa unkabogable na tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye” na pinagsamahan nila ni this generation’s relatively young queen of hearts Kathryn Bernardo.

SM food to go Banner Ad

At ngayon, iba ang curiosity at anticipation sa unang film project na sila naman ni Bea Alonzo ang magsasanib puwersa, ang Philippine adaptation ng Korean dramang “A Moment To Remember.”

At sa mga tunay na malalapit sa kanya, mula noon hanggang sa ngayon, ang pagiging mabait at mabuti ni Faulkerson Jr.ay walang pagbabago. Laging nakatuntong sa lupa, walang ka-ere-ere, hindi magaspang ang pag-uugali. Laging magiliw at sinsero sa lahat.

At inspirational talaga na walang iskandalo o malalang chika ang pwedeng ipukol kay Richard. Alam niya talaga ang life goals at priorities niya. Marunong tumingin sa pinanggalingan, inaalagaan at minamahal ang kasalukuyan. Nagpupunyagi rin at nagpupundar para sa hinaharap.

Kaya sa magdadabog ang bangs at magtataasan ang mga kilay sa estado ni Alden, kumilos naman kayo ayon sa inyong ganda at magpakatotoo na wala talaga kayong karapatang magsuplada, huh!

Alden Richards is the King!

Leave A Reply

Your email address will not be published.