Abante Tonite Interactive

walang kapa-kapatid!

376

smb vs Magnolia sa finals

Umahon ang Magnolia Pambansang Manok mula sa 17 puntos na pagkalubog sa third quarter bago inagaw ang silya sa finals nang itaob ang Rain or Shine, 63-60, sa Game 7 overtime ng PBA Philippine Cup semifinals sa Mall of Asia Arena Arena.

Binalewala ng 6th seed Hotshots ang 22-39 na pagkaiwan bago sinandigan si Rafi Reavis na krusyal sinlpak ang tatlong puntos sa huling 1:15 ng laro upang itulak ang koponan sa ikalawang sunod na pagtuntong sa finale makaraang kopoin ang PBA Governors Cup.

Nagtala si Reavis ng walong puntos, nagbaba ng ng 20 at tatlong blocks para mahirang na best player of the game. Pero aktuwal na sina Ian Sangalang at Paul Lee ang namayagpag sa opensa ng Magnolia sa tig-11 markers. May 15 boards pa si Sangalang.

Pinantayan ng 21 points ng Magnolia sa halftime ang all-time lowest score sa isang half sa kasaysayan ng PBA playoffs. Nadiyeta sa 21 ang Alaska sa 71-69 loss ng Aces sa San Mig Coffee noong 2013 Commissioner’s Cup semis.

Ayon pa kay chief sta­tistician Fidel Mangonon III, ang lowest-scoring 48-minute Game 7 sa kasaysayan ng PBA ay 72-63 nang talunin ng Alaska ang SMB sa 1998 All-Filipino title.

Ang 7 points ng Rain or Shine sa first quarter ay lowest sa PBA playoffs sapul nang maka-pito rin ang Meralco sa opening period kontra Star sa Game 1 ng 2017 Governors Cup semis. (Vladi Eduarte/Lito Oredo)