Abante Tonite Interactive

Walang karapatan manira sa social media

483

Dear Atty. Claire,
Gusto ko lang po sanang humingi ng advise regarding sa problema ng friend ko po.

Nagpapautang po siya ng pera sa mga co-worker niya and one of her friends po ay gustong mag-invest sa pauta­ngan niya para tumubo ang pera ng kaibigan niya. Nagkasundo sila at nagbigay ng puhunan ‘yung investor.

Sabi po ng kaibigan ko tumubo naman daw po ang pera ng nag-invest pero ang principal at hindi pa naibabalik agad sa nag-invest.

Ngayon po at nag-post yung investor sa Facebook at pinapa­kalat ang picture ng kaibigan ko dahil sa pera na kulang doon sa investor.

Ano po ba ang puwedeng mangyari sa kaibigan ko? Meron po ba siyang right to counter file sa pag-post sa kanya sa social media kasi may mga anak po ang kaibigan ko na naapektuhan na po.

Salamat po,
Fe

Ms. Fe,
Naiintindihan ko ang kalagayan ng kaibigan mo pero naiintindihan ko rin ang sitwasyon ng namuhunan na hindi na natatanggap ang perang kanyang na-invest.

Obligasyon ng kaibigan mo na ibalik ang nasabing puhunan sa petsa na kanilang napagkasunduan.

Sa kanilang kasunduan at lumalabas na ang kaibigan mo at naging ahente ng namuhunan at siya at nagbi­gay ng tiwala sa kaibigan mo ayon sa kanilang napagkasunduan at hindi maaaring sabihin na lamang na tumubo naman ang pera.

Balewala kasi ang pamumuhunan kapag hindi naibalik ang principal na halaga sa namuhunan.

Kaya’t dapat niyang maibalik ang principal na halaga bago pa siya makasuhan ng Estafa.

Tungkol naman sa pag-post sa social media ay walang karapatan ang sinuman na gamitin ang social media para lamang manira ng kapwa.

Kahit ano pa ang naging kasalan ng isang tao laban sa kanya ay hindi niya dapat abusuhin ang karapatan ng pagpapahayag. Ang nag-abuso sa karapatan na ito upang makapanira ng tao ay maaaring makasuhan ng Libel under Cyber Prevention Act of RA10175.

Mas makakabuti na kausapin ng kaibigan mo ang namuhunan at magkasundo sila kung kalian niya maibabalik ang pera.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com