Abante Tonite Interactive

Walang kaseryosohan sa kampanya kontra illegal parking ang MMDA

By
13

Aktibo na naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang kampanya kontra illegal parking.
Ang MMDA Anti-Illegal Parking and Sidewalk Clearing Operations Group ang nasa likod ng mga operasyon sa mga sasakyang iligal na nakaparada.

Kahapon sa mulin­g pagbabalik sigasig ng MMDA sa kanilang kampanya ay 20 mga sasakyan ang nahatak sa isinagawang nitong clearing operations sa Lungsod ng Maynila partikular sa mga bahagi ng Aurora Blvd., Blumentritt, Sta. Cruz, sa gilid ng bisinidad ng Chinese General Hospital and Medical Center.

Kasunod ng ginawan­g clearing operation ng MMDA ay tiniyak ng MMDA na magiging tuluy-tuloy na ang kanilang operasyon at kampanya kontra illegal parking.
Hindi naman natin maunawaan sa MMDA kung bakit lulubog-lilitaw ang kampanya nila sa mga sasakyang iligal na nakaparada.

Anong tagumpay ang aanihin ng ahensiyang ito kung hindi naman sila consistent sa kanilang ginagawang pagwalis sa mga sasak­yang iligal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada na nagiging sanhi ng pagsisikip ng trapiko?

Kung talagang seryoso kayo sa inyong kampanya kontra iligal par­king dapat ay regular ang inyong gagawing operasyon. Hindi iyong kung kailan maisip ay saka ilalatag ang ope­rasyon.
Hinding-hindi magtatagumpay ang gobyerno lalo na ang MMDA sa kampanya kontra iligal parking kung wala silang consistency.

Sa tingin ko para tuluyan nang mawala ang mga sasakyang iligal na nakaparada ay regular ang gagawing pagbabantay ng mga tauhan ng MMDA, gamitin ang kanilang buong puwersa para ipatupad ito.