Abante Tonite Interactive

Walang katapusang korapsyon sa BuCor

332

Matapos ang limang pagdinig sa Senado, heto’t malayo-layo na rin ang ­narating ng ­imbestigasyon ng ­Senado sa mga ­anomalya sa Bureau of Corrections (BuCor)

Noong una, ang akala ng publiko ay magtatapos lang ang imbestigasyon sa napipinto sanang paglaya ni convicted rapist-murderer Antonio Sanchez na naka-avail ng kontro­bersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Hindi pala dahil lumawak pa ng lumawak ang imbestigasyon. ‘Ika nga nila, parang nanganak ang anomalya sa BuCor dahil sa dami ng mga nadiskubre pang katiwalian sa naturang departamento.

Matapos ang im­bestigasyon kay Sanchez, nabuking ang anomalya sa “GCTA for sale” kung saan nagbabayad ng mala­king halaga ang mga high profile inmate New Bilibid Prison (NBP) para sa kanilang ­maagang ­paglaya.

Sumunod naman dito ang “hospital for sale” racket kung saan ila sa mga bigating mga preso, ­kabilang ang mga drug lord ang bumibili ng ‘passes’ kapalit ng pera ­parang maipagpatuloy ang kanilang transak­siyon sa iligal na droga ­habang naka-confine sa NBP hospital.

Nito lamang nagdaang Huwebes, ­ibinunyag nina BuCor officer-in-charge ­Rafael Ragos at National ­Bureau of Investigation agent Jovencio Ablen Jr., ang mga “money-making” operation sa loob ng Bilibid.

Mula sa prostitusyon (ang paglabas-masok ng tilapia na P30K ang halaga), nabunyag ang talamak na sugalan, kidnapping, mga tinatanggap na ‘parating’ sa mga bagong ­BuCor chief, pagpasok ng ­kontrabado at iba pa.

Kung tutuusin, matagal na iyang raket na ‘yan sa Bilibid, ngayon na lang muling naungkat dahil konektado nga sa imbestigasyon sa GCTA for sale at iba pang anomalya na kinasasangkutan ng BuCor officials.

Related Posts

Aminado naman ang mga BuCor official na ganoon ang kalakaran sa loob. Kumbaga, bawat kilos sa loob ng NBP, may perang halaga.

Medyo nadismaya nga lang ang ilan sa ­huling pagdinig ng ­Senado dahil ­parang medyo nalihis ng ­kaunti ang imbestigasyon ­dahil sa pagkonekta muli kay ­detained Senator Leila de Lima sa isyu ng ­korapsyon sa BuCor.

Pinalabas daw kasi ni Sen. Richard Gordon, chair ng Senate committee on justice and human rights, na nakinabang si De Lima sa GCTA Law matapos mag-recycle ng statement sina Ragos at Ablen na nag-deliver daw sila ng P10 milyon noon sa bahay ng senador, na galing umano sa drug lord na si Peter Co.

As usual, pinabulaanan ito ng senadora. Si Gordon naman ay iginiit na wala siyang proof na kumuha siya ng pera.

Pero sabi nga nila, hindi maiiwasan na malihis ang imbestigasyon. Konektado pa rin naman daw. Giit nga ni Senador ­Lacson, parang bottomless pit ang investigation kaya hindi rin matapos-tapos ang kanilang pagdinig dahil nanga­nganak ng mga issue, nanganganak ng kontrobersya, nanganganak ng ­korapsyon.

Sa ngayon, may dalawang testigo pa ang Senado sa GCTA for sale na posibleng humarap sa susunod na pagdinig. Well, sana nakatuon na lang ang imbestigasyon sa GCTA for sale scheme at iba pang anomalya at hindi na malihis pa sa ibang isyu.

At sa bandang huli, umaasa ang publiko na sa gagawing committee report ng Senado, batay sa kanilang imbestigasyon, ay matukoy nila o mapanagot nila ang mga totoong utak ng mga katiwalaan sa BuCor.
Abangan!