Abante Tonite Interactive

Walang katapusang sibakan

0 328

FOR THE RECORD

Muling lilinisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hanay ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa patuloy na pamamayagpag ng kurakutan sa ahensiya. Ito ang pinangako ng Pangulo sa isang talumpati sa Alanga-lang, Leyte noong Biyernes nang gabi.

Pangako niya, hindi siya titigil sa pagsibak sa mga opisyal hangga’t hindi natitigil ang paggawa ng katiwalian. Nagbanta pa ang Pangulo na papalitan niya ng mga sundalo ang lahat ng nasa Customs.

Ginawa ni Duterte ang babalang ito matapos lumabas ang resulta sa pinag-utos na imbestigasyon ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero hinggil sa mga nawawalang contai-ner sa Port of Manila. Nalugi ang gobyerno ng kalahating bilyong piso dahil sa pagpuslit ng 641 container sa Port of Manila noong 2018.

Related Posts

Nakakabilib ang ginagawang paglilinis ni Commissioner Guerrero sa BOC at magiging katuwang pa niya ang Pangulo ng bansa. Isipin nyo nga naman, yung mga ordinaryong empleyado ng gobyerno, nakukuba na sa pagtatrabaho pero wala man lang sariling bahay o kotse. Tapos mababalitaan nila na may security guard sa Customs na kumikita lang ng P14K kada buwan pero P2M ang laman ng bank account.

Take note, security guard na lang yan. Ano kaya kung mas mataas sa sikyu? Noong 2012, isang clerk ang nabuking na nagmamaneho ng mamahaling Porsche.

Nagkakahalaga ang kotseng ito ng apat hanggang anim na milyong piso. Marami din tayong kila-lang nagtatrabaho o konektado sa Customs ang buhay-hari.

Isa pa sa naging rebelasyon ni Pangulong Duterte ay ang pagsibak niya kay GSIS president Jesus Clint Aranas. Nung Huwebes, naglabas ng statement si Aranas na nagbitiw siya sa trabaho at ma-ging si presidential spokesperson Salvador Panelo, paiba-iba ng pahayag tungkol sa dahilan ng pagbibitiw ng GSIS boss.

Marami pang sisibakin ang Pangulo. Hangga’t hindi tumitigil ang kurakutan sa gobyerno ay maraming opisyal ng gobyerno ang gugulong ang ulo. Aba-ngan na lang natin kung sino-sino pa ang susunod.