Abante Tonite Interactive

Walang kilay si Mona Lisa

175

Noong 1961, ang obrang “Matisse’s Le Bateau” (The Boat) ay aksidenteng pabaliktad na naisabit sa Museum of Modern Art ng New York, walang nakapansin dito sa loob ng dalawang buwan kahit ang 116,000 katao na bumisita sa museum.

***

Nang nakawin ang Mona Lisa painting ni Leonardo da Vinci noong 1912 sa Louvre ay napag-alamang anim na replika nito ang naibenta sa malalaking halaga tatlong taon bago mareco­ver ang orihinal.

Abante Hiring – IT dep

Walang eyebrow ang painting na “Mona Lisa” dahil ito ang uso noong Renaissance era.

***

Ang pamosong pintor na si Vincent Van Gogh ay nakapagbenta lamang ng isang painting na “Red Vineyard at Arles” noong siya’y nabubuhay. At ang nakabili pa ay sa­rili niyang kapatid na mayroong art gallery.

Si Van Gogh ay nagpakamatay habang ipini­pinta ang “Wheat Field with Crows”

***

Alam nyo bang si Picasso ay mas naunang natutong mag-drawing bago nakapaglakad, at ang una niyang natutunang bigkasing salita ay “piz” shortened version ng lapiz sa Spanish.

***

Ang Statue of Li­berty sa America ay ang pinakamalaking ‘hammered copper statue’ sa buong mundo.

***

Ang pinakamala­king horse statue sa buong mundo ay ang “Zizkov Monument” na matatagpuan sa Prague. Ito ay may taas na 30 talampakan.

***

Ang “Mount Rushmore National Memorial” ang itinuturing na pinakamalaking statue sa buong mundo, ito ay mga inukit na mukha ng apat na pre­sidente ng America na sina George Washington, Thomas Jefferson, Theodore Roosevelt at Abraham Lincoln na matatagpuan sa Black Hills malapit sa Keystone. Ang taas nito ay umaabot sa 60 talampakan.

***

Ang sikat na graffiti artist na si Banksy ay na-nominate sa Oscar noong 2011 at pinarangalan bilang “Person of the Year” noong 2014, subalit hanggang ngayon ay walang nakaka-alam ng tunay niyang pangalan.

***

Pinaniniwalaang ang “Tango” ay isang klasikal na sayaw ng dalawang lalaking sailors.

***

Hindi nag-iisa si Michelangelo ng gawin niya ang mga paintings sa kisame ng Sistine Chapel. Kinailangan niyang kumuha ng mga assistant upang matapos ito dahil sa edad niyang 71 noong panahong iyon.