Abante Tonite Interactive

Walang kontrata sa hulugang lote

By
237

Hi Atty. Claire,

Good morning!

May itatanong lang po ako.

May hinuhulugan po kasi akong lupa sa Binangonan Area pina Survey na po yun ng may ari, ang halaga po ng lupa ay P150,000.00.

Ang nahuhulog ko na po ay P50,000.00 pero wala po kaming kasulatan.

Sa tuwing nagbibigay ako ng bayad may acknowledgement receipt po akong pinapipirmahan sa tumatanggap.

Ano po ang dapat na contract para dito na panghahawakan ko? Ano po ang dapat kung gawin ?

Maraming salamat po. Sana po ay matulungan nyo po ako.

Regards,
Ariane

Ms. Ariane,

Ang sobra mong pagtitiwala ay medyo nakakabahala dahil baka mauwi sa wala’t wala iyong pinaghihirapan.

Unang-una mong gawin ay alamin mo kung ang  kausap mo na nagbebenta sa iyong lupa  ay tunay na may-ari mito.  Hanapin sa may-ari  ang original na titulo ng lupa upang malaman mo kung tunay o peke ba ang titulo.

Magpasama  ka sa may -ari o representative Nina sa Register of Deeds at ipakumpara ang hawak nilang titulo…. humingi  ng certified true copy ng titulo upang malaman mo kung may problema ba ang titulo o wala, tulad halimbawa kung ito ay nakasanla ba o kaya ay may ibang humahabol.

Kung walang titulo ang lupa  at rights lamang na maka okupa ang ibebenta sa iyo ay mahirap na ituloy mo  pa ang transaksyon dahil hindi ka makakapagpatitulo ng lupa.   Kaya’t alamin muna ang tunay na sitwasyon ng lupa.

Kung halimbawa naman ay  may titulo ng lupa  naman ang may-ari   at  legal ang mga papel na hawak nila ay magpagawa ka na ng Contract to Sell na pirmado ng  may -ari ng lupa  dahil ito ay patunay na ikaw ang bibili at hindi na dapat na ibenta pa ito  sa iba hanggat may bisa ang inyong kontrata.

Huwag pumayag na pumipirma lamang  ang tumatanggap ng pera dahil hindi ito sapat na mapatunayan ang planong bilihan maliban lamang kung malinaw sa pinipirmahan na ito ay bayad para sa lupa kung saan pwedeng gamiting ebidensya kung magkakaroon man kayo ng kasuhan.

Marami kasi ang naloloko sa ganyan na nagpapatanggap na may ari ng lupa ngunit sa gobyerno pala ito at ang binebenta lamang ay ang rights to occupy the land  na hindi kailanman magkakaroon ng titulo hanggat ito ay nasa kamay pa ng gobyerno.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 4107624 o 922-0425 o mag email sa attorneyclaire@ gmail.com