Abante Tonite Interactive

Walang kupas si Tata Rey

0 2,031

Mga klasmeyt, walang kupas ang isa sa mga idol ko na si Boss RB, kilala sa tawag na Tata Rey Briones.

Solo champion sa katatapos na 2018 World Slasher Cup II 9-Cock International Derby na ginanap sa Araneta Coliseum. Gamit ang entry name na GreenGold Uno, pang-apat na ito ni Boss RB.

Congratulations!

Immediate-Hiring-Ads

***

Natapos na rin ang eleksyon sa barangay at may mga kasabong tayong nanalo bilang chairman at kagawad. Mga klasmeyt, unahin muna ang kapakanan ng kabarangay ninyo bago magsabong. At bawal po ang tupada kahit fiesta, ang maganda siguro hingi na lang ng permit at baka payagan kahit sa araw ng fiesta lang.

Congratulations din sa inyo at good luck hindi lang sa laban ng manok pati ‘yung magiging mahigpit ninyong kalaban sa tatlong-taong termino, ang inyong plataporma na ipinangako ninyo sa tao.

***

Malapit na ang tag-ulan, maglulugon na ang mga magugulang na manok natin kaya ang magiging bida naman ay mga stag o mga batang panabong. Siguradong marami na ang nagha­handa sa Stag Derby.

***

Congratulations din pala sa Team Red ng Barangay 862 sa Pandacan. Good luck po sa bagong halal na punong barangay na si Maye­t Villanueva at mga nanalo niyang kagawad na sina Remel ‘Otchog’ Tumaneng, Rommel ‘Omel’ Diaz, Luz Armobit at Greg Batula. Mabuhay kayo!