Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang kupas! Yap umawra

0 61

Gym rat!

Marami man ang duda ngayon sa kakayahan ni Philippine Basketball Association star James Carlos Yap Sr. dahil sa kanyang edad, wala naman siyang keber sa halip ay tuloy lang sa pagbatak.

Sa kanyang Instagram post Huwebes, pinakita ng 16-year pro veteran na wala sa diksyunaryo niya ng ang salitang `pahinga’ nang ibahagi ang pinagkakaabalahan kung saan suot pa ang uniform ng koponan niyang Rain or Shine.

“Never not working out to improve my body and conditioning 💪 #alwaysimproving,” caption ng two-time MVP at seven-time champion habang busy sa gym sabay awra nang naka-topless.

Sa ngayon unti-unti nang naitotono ng 39-anyos at may taas na 6-2 na cager ang kanyang rhythm nang magpasabog ng positibong laro sa 46th PBA 2021 Philippine Cup semi-bubble sa Bacolor, Pampanga .

Kahit na napuruhan ang kanyang tuhod bago magsimula ang import-less conference, wala pa ring kupas si ‘Big Game James’ dahil patuloy na nagpapasiklab sa Elasto Painters. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.