Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang Kwentang Gamot

0 465

Madalas sinusunod natin ang payo at reseta ng ating mga doktormatapos na makita, maeksamin at malaman kung ano ang atingkalagayan. Sa pagkakataong ito, nagkaroon ng problema sabalakang ang ating tagasubaybay na siyang ikinunsulta niya sakanyang doktor. Na diagnose siya na may urinary tract infection o UTI at binigyan ng gamot. Nasunod ng mabuti ang pag-inomng gamot at lahat ng payo, ngunit bakit sa pag-ulit ng kanyangurinalysis ay humigit pa at mas lumala ang resulta. Nagkamaliba ng pagbigay ang doktor ko o ang pagbili ko? Fake ba anggamot na nabili kaya walang epekto? Ano kaya po angnangyari?

Mainam na nakakonsulta ng maayos ang ating reader. Nalamanna may UTI siya sa pamamagitan ng pageksamin sa kanya at sapagtingin ng kanyang ihi o urinalysis. Madaming makikita dito, isa na ang impeksyon, sa pamamagitan ng bilang ng white blood cell, WBC, pus, o nana. Ang normal na bilang ay nasa 0-2/hpflamang. Kung maging higit pa dito o kung minsan TNTC o too numerous to count (na sa sobrang dami hindi na mabilang ng medical technologist na nagbabasa nito), masasabing may impeksyon na. Sa pagulit ay dapat makitang bumababa ang bilang nito.

Mas mainam na sinunod niya ang lahat ng payo ng kanyang doktor at inaasahan na gumaling ang karamdaman. Ngunit hindiito ang nangyari. Hindi naman nagkamali ang kanyang doktordahil mayroon silang standard management at lalong hindinaman peke ang gamot kung nabili ito sa lehitimong botika. Hindi lang iisa ang bakteryang maaaring makaapekto sa daananng ihi, napakadami nito at lalo nang napakadami ng gamot o antibayotikong lalaban sa mga ito. Ang susunod na gagawin ay eksaminin muli ang ihi at gawin ang culture and sensitivity. Ditopinapatubo ang bacteria at inaalam kung anong klasengantibiotiko ang maaaring pumuslang sa kanila. Ang resulta ay makikita kung resistant o sensitive. Kung resistant, hindi nitomalalabanan ang bacteria at maaaring balewala ang mangyari. Ang sensitive naman ay siyang epektibo at makakatalo sabakteria, maaaring mamili kung alin sa resulta ang makatwiran.

Hindi “exact science” ang medisina at hindi ibig sabihin ng walang epekto ay mali na o peke agad. Napakadaming maaaringposibilidad na pagmulan ang isang karamdaman, at sa mga itomas madami pang nagkakaimpluwensya

Leave A Reply

Your email address will not be published.