Abante Tonite Interactive

Walang Lastimosa, walang aberya

339

Wala man si coach Jojo Lastimosa, hindi hinayaan ng Bataan Ri­sers na malugmok sa sarili nilang bahay.

Sa gabay ng beteranong mentor Joel Banal, naitakas ng Risers ang 76-74 panalo kontra sa Zamboanga Valientes Lunes nang gabi sa Maharlika Pilipinas Basketball League sa People’s Center sa Bataan.

“The situation fell on my lap. It’s challenging, but you know me, I’m a fighter,” wika ni Banal na kababalik lang matapos atakihin sa puso.

Nanguna sa Risers sina Pamboy Raymundo na may 15 puntos, Gan Dagangon na naka-12 pts, at may 10 puntos at 12 rebounds si Alfred Batino.

Nagparamdam din si Yvan Ludovice sa bago niyang tropa sa ambag ito na siyam na puntos.

Umalagwa ang laro ng Risers sa huling apat na minuto nirehistro sa pasabog na 14-3 run at mabaligtad ang labanan sa anim na puntos na kalamangan.

Naging tinik naman sa Risers ang shooting powers ni Robin Roño ng Valientes na tumapos ng 18 puntos, lahat sa three-point area. Pero kapos pa rin para mapigilan ang Bataan na umangat sa 16-2 na win-loss record.
Sa panghimagas na sultada, naalpasan ng Manila Stars ang Rizal Crusaders, 71-70.

Akyat ang Manila sa ikalawang puwesto sa Northern Division bitbit ang 16-3 na baraha.

Tinakot pa ng Rizal ang Stars nang muntik pang maagaw ang girian. Kaya lang parehong mintis ang huling dalawang tirada sa endgame, at lumubog ang Rizal sa 5-13.