Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang mabigay na datung, senior citizen tinangkang saksakin

0 363

MATAPOS kupkupin at arugain, tangkang pagpatay pa ang sukli ng isang binata sa kanyang lola nang wala itong mabigay na pera sa Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Christian Jovita, ng Bacoor City Police, alas-11:30 Huwebes ng umaga nang dumating ang suspek sa kanilang bahay na mainit ang ulo.

Humingi ng pera ang binata sa lola pero walang maibigay ang matanda kaya nagalit ito at pinagbantaan papatayin at sasaksakin ng ice pick. Suwerteng nakatakbo ang huli at humingi ng tulong sa barangay kung saan naabutan pa ang binatilyo na hawak ang ice pick.

Related Posts

Itinuloy naman ang pagsasampa ng kasong grave threat laban kay Renan Llesa Looban, 18, Maliksi 1 Bacoor City, Cavite ng kanyang Lola na si Aniceta Sarmiento, 68, ng nasabi ring address.

Ayon kay Jovita, ang suspek ay inaruga ng kanyang Lola matapos maghiwalay ang magulang nito at nagkanya-kanyang pamilya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.