Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang maiiwan sa online classes

0 624

Sa October 5 na magbubukas ang klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Pero maraming private schools kabilang ang mga kolehiyo at unibersidad ang nagsimula na ng pasukan noon pang July.

Dahil walang face-to-face interaction sa pagitan ng mga guro at mga estudyante, blended ang mode of learning ngayong academic year. Ibig sabihin – bukod sa modules, may online din sa pagtuturo. Kaya gagamit ang mga bata ng electronic gadgets para makasabay sa learning approach.

Dito sa Tanza, Cavite, aktibo ang Sangguniang Kabataan o SK Federation sa pag-iisip ng mga paraan para makatulong sa mga mag-aaral na sasabak sa online classes.

Sa pangunguna ni SK Federation – Tanza President Rhon Jay Perdito, kanya-kanyang diskarte ang iba pang SK Chairman sa may apatnapu pang barangay sa buong bayan sa pagbibigay ayuda sa mga mag-aaral.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa mga ipinamahagi nila ang USB, flashdrive, phone holder, led flashlight, at earphones. Malaki raw ang maitutulong nito sa blended learning ngayong pasukan. Bukod sa accessories na ‘yan, namigay rin sila ng hygiene kits na may lamang alcohol, sanitizer, face mask at face shield.

Totoo naman, walang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din. Batid ng mga miyembro at opisyales ng SK Federation – Tanza ang pagdaraanang hirap ng mga bata sa online classes. Bukod sa nakapipiga ng utak ang blended learning, mabubutas din ang bulsa sa pagbili ng gadgets na kakailanganin.

Ang lokal na pamahalaan naman, naglaan ng riso machine sa kada eskuwelahan para may magamit sa pag-imprenta ng modules.

Ang sa akin lang, wala sanang maiwang bata sa online classes na ito. Kung may kilala o alam tayong estudyante na nahihirapan sa blended learning, i-abot natin ang ating matulunging kamay para hindi siya maiwan. Kung may extra phone o laptop kayo na hindi na ginagamit, okay rin kung i-donate na lang ito sa higit na nangangailangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.