Abante Tonite Interactive

Walang maisagot sa classroom

161

Nanaginip akong nasa classroom daw ako. Nakatayo ako sa gitna ng classroom. Hindi ko raw narinig ang tanong kaya hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Ang tanda ko lang, matagal na akong nakatayo at napapahiya na ako sa buong klase. Nagising akong hindi man lamang ako nakapagsalita. Ramdam ko rin ang pagkapahiya kahit nagising na ako.

Isa rin ito sa mga common dream at halos kapareho ng panaginip tungkol sa pagkuha ng exam kung saan hindi ka nakapagrebyu kaya nangangamote ka sa pagsagot.

Ang ganitong mga panaginip ay indikasyon na may pinagdaraanan kang isyu tungkol sa pagharap sa mga taong araw-araw mong nakakasalamuha at sa insecurities mo sa buhay.

Abante Hiring – IT dep

Sa eskuwelahan natin natututuhan ang pagharap sa mga hamon ng buhay. Dito tayo natututong makisalamuha sa iba’t ibang tao, sumunod sa mga regulasyon at kumilala sa mga person of authority tulad ng mga teacher, principal at iba pa. Kaya naman ang iyong panaginip na nasa school ka, nasa gitna ng classroom at hindi ka makasagot sa iyong teacher ay may negatibong indikasyon. Dito na nga pumapasok ang posibilidad na sa aktuwal na buhay ay nakakaramdam ka ng insecurity.

Related Posts

Ang bahagi ng iyong panaginip kung saan kaharap mo ang teacher mo ay indikasyon naman na may isang tao sa buhay mo ang higit na nagiging dominant kumpara sa iba. Sa harap ng taong ito ay hindi ka komportable at kung puwede lamang ay gusto mong kumawala sa anumang control na meron siya sa buhay mo.

Ipinaalala ng iyong subconscious na may kailangan kang gawin para kumawala sa iyong kasalukuyan sitwasyon. Kung ikukumpara mo ito, kung sa klase ay iisa lamang ang iyong solusyon para hindi malagay sa nakakahiyang sitwasyon—ang mag-aral nang mabuti at makinig habang nagtuturo si teacher para makasagot kapag tinatanong, sa aktuwal namang buhay, puwede mong ilayo ang iyong sarili sa taong ito na nagpapahirap sa iyong kalooban. Kung ito’y trabaho, puwedeng pag-isipan ang paglipat. Kung sa lovelife, kakailanganing kausapin ang iyong partner o puwedeng kumawala sa relasyon.

Isa ring wakeup call ang iyong panaginip. Ipinaalala nito na puwede kang mangibabaw sa anumang sitwasyon mo sa buhay. May paraan para hindi malagay sa alanganing sitwasyon. Kakailangan mo lamang magbuhos ng dagdag na effort at kausapin ang dapat kausapin para resolbahin ang anumang hindi magandang sitwasyon.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.