Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang malay sa COVID positive staff! Mga GMA talent nagreklamo

0 241

RP

Nilantad ng grupong Talents Association of GMA Network (TAG) ang mabagal umanong responde ng kompanya matapos makumpirma na isa umanong newsroom staff ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa pahayag ng TAG, tanging sa mga empleyado lang sa News and Public Affairs Department at ilang close contact ng carrier pinaalam ang pagpositibo ng isa nilang empleyado, habang ang iba ay wala umanong muwang sa naturang isyu.

Nanawagan din ang TAG para sa libreng rapid testing, ngunit wala pa umanong anunsyo mula sa management kung ito’y ipapatupad dahilan para maghanap ng paraan ang mga staff kung papaano magpapa-test na hindi lumalabag sa madatory quarantine.

“GMA Network has been providing free rapid tests for its regular employees, and some Project Employment Contract (PEC) workers especially if they work on the field, but these are scheduled tests. Reportedly, mandatory rapid testing for newsroom staff has yet to be provided, and neither their health insurance provider nor the GMA management is willing to shoulder the costs of confirmatory PCR testing,” ayon sa TAG.

Bukod pa dito, tinigil umano ang hazard pay para sa ilang manggagawa, gayundin ang walang kasiguraduhan na bayad para sa mga pinag-forced dayoff.

“We are also getting reports from network insiders that hazard pay has stopped, and those who were forced to take days off because of close contact are not assured if they will be paid,” saad pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.