Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang mapasukang trabaho, college graduate nagbigti

0 51

Dala umano ng depresyon dahil walang makuhang trabaho, nagpasyang magbigti ang isang binatang college graduate kamakalawa sa Zamboanga City.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:30 ng hapon nang matagpuan ang 27-anyos na biktima ng kanyang ina na nakabigti gamit ang isang nylon cord na itinali sa kanyang leeg at kisame sa kanyang kuwarto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang suicide note naman ang nakuha na sinasabing sulat kamay ng binatang nagtapos ng Marine Engineering, na nagsasaad na nahihiya umano siya sa kanyang pamilya dahil hindi siya makatulong.

Napag-alaman sa pamilya ng biktima na ilang beses na ring nag-apply ng trabaho ang binata subalit ilang beses ding nabigo at hindi natatanggap dahil may pandemya pa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.