Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang matirhan, nag-suicide

0 51

Posibleng dahil sa matinding kalungkutan at depresyon, winakasan ng isang lalaking walang sariling tahanan ang kaniyang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti sa isang abandonadong outpost ng barangay sa Quezon City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-4:00 ng madaling araw (May 6) nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima sa abandonadong Barangay Police Security Officer (BPSO) outpost sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Isaias De Pedro II ng CIDU, lumalabas na wala umanong tahanan ang biktima na

SM SuperKidsDay Banner Ad

huling nakitang buhay patungong Balintawak Market.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Saint Eldridge Funeral Services para sa safekeeping. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.